....... so after 5 days of not checking my mail because i was busy with my NCLEX exam, i finally opened my multiply site and saw my good friend jeniffer's message that i was tagged. panic mode ang lola mo, hindi ko alam ang sistema ng "tagging". hahaha. etong si jenx sinisindak ako.
game. let me try. ehem.
3, 2, 1..... (naks, may effect?! ahahaha!)
1. hindi ako kumakain ng gulay. don't ask me why, kasi hindi ko rin alam. hehe. kumakain ako ng french fries, kangkong ng chowking, munggo na luto ng ate ko, patatas at bell pepper ng afritada... yun lang, wala na.
2. pangarap kong magpakulot ng hair. super. as in. matagal ko nang pangarap to!!!!! kaso ayaw na ayaw ng ate ko, wag daw kasi magmumuka akong nagtratrabaho sa zoo-bic, yung nagtuturo gumawa ng apoy sa mga foreigners gamit ang kahoy. err... wag na lang diba.
3. allergic ako sa chicken at itlog. pero favorite ko chicken. may claricort ako lagi sa kikay kit ko to combat my allergy. mabait na nurse.
4. crush ko si ivan mayrina, josh hartnett, LL cool j at terence howard.
5. i'm a text addict. most of the time nagrereply ako. wag ka lang magtext ng mga: elo, poh, juz, cuz, pah, plz at kung ano-ano pang kaeklavuhan sa pagtetext, angjologs kasi!!!!!!!! hate it hate it. tigilan nga ako ng H at Z. you think it's cool?? it's not. and i bet you can't spell most words correctly now kakagamit mo ng H at Z. promise pag nakakita ako ng ganito sa text, tumataas blood pressure ko. friendly naman ako, sanay n akong magtext sa strangers dahil sa online tindahan ko. mabait din ako sa mga nanghihingi ng number. wag lang talaga ang H at Z. period.
6. napasagot ako ng boyfriend ko sa dunkin donuts. hehe. ergo, mababaw lang kaligayahan ko.
7. frustration ko maging madre. seryoso.walang kokontra!
8. nurse ako. hindi lang halata. haha.
9. weakness ko ang guys na matangkad, maputi, singkit at may sense kausap. kung ganun ka, crush na kita.
10. bethel = yanyan, french fries, chocolate chip cookies, chocolate cream chip extra whip cream. ayan, pag may atraso kayo, yan lang ktapat ko. haha.
whew... anghirap nito ha!! sa katulad kong private na tao (naks!).
payback time!!!!!!
chet
shelah
ate cor
lowella
corrine
gem
jackie beltran
mars
pj
imee
richard acuña
sheryl
jep
gumanti na lang kayo
